Music Videos provided by Music Video Codes

**Friendster Profile ko**

hey....................... neil.neils.niko.dodong.eLeS`7. AnarchY.black.red.108|`k|.Skate.Chucks Vans.5`5.120lbs.TLC.Zobel.Taft. Stratocaster.spot.chik.\m/


**Friendster Profile ko**



Chek nyo rin ung Friendster account ng barkada ko at ang official website ng band ko:


AT






<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31



BLOG links:

-Fei-
-Pat Pay-
-AJ-
-Bicoy-
-Cathy Manapul-
-Celina-
-Corinna-
-Doti-
-Ethel-
-Eiei-
-Gaille-
-Ica-
-Iggy shit-
-Jello-
-Jenn-
-Roque-
-Joyce-
-Kat-
-Mabel-
-2ste-
-Ria and Arlene-
-Yet-
-JC-
-Dino and miss Roanne-


ELES BLOGS:
-Medz`11-
-Mil`24-
-Mamawal`32-


Picture links:
-Mae Sisig!-
-Carla-
-Christian-
-AnnaO-
-Alexis-


My Fave Sites:
-SlapShocK-
-WWE-
-NBA-


Rock on with:
*Melody-Valentine*
*1o8*




**Friendster Profile ko**

logging since mar. 3`05
WhaPaK!



rss feed


   

Blogdrive

Contact Me



If you want to be updated on this weblog Enter your email here:


Monday, January 30, 2006
asan ka na? aking Darna..?

shiiiiiiiit..... hahaha napag iwanan na talaga tong blogsite kong toh... haha... tried to make time for myself para ma-update ko tong blog ko but laging busy at walang time... hmm.... tulad ngayon nagmamadali nanaman ako.. haha siguro magpopost nlng ako ng lyrics sa blog na toh....  ehe!! baka rin kasi me naghahanap ng lyrics nito kasi sobrang astig tlaga ung song!! i guess kaya nga siya #1 sa midnight countdown sa NU... ehehe!! stig toh!!! LSS talaga ako dito sobra... and plus, cool ang nilalaman ng lyrics netoh!! para sa mga nilalang na martyr na nangangarap makuha ang kanilang dream girl....(specifically lalake to babae ung song obvious naman eh...) this is "Narda" by Kamikaze.... enjoy!! tsaka nlng ako mag-update.... potek.\m/

NARDA ng KAMIKAZE....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tila ibon kung lumipad,
Sumabay sa hangin ako'y napatingin,
Sa dalagang nababalot
ng hiwaga.

Mapapansin kaya,
sa dame ng yong gingawa?
Kung kaagaw ko ang lahat
may pag asa bang makilala ka

Awit na nananawagan,
baka sakaling napakikinggan,
Pag ibig na palaisipan,
sa kanta na lang idaraan...

Nag aabang sa langit,
sa mga ulap sumisilip,
Sa likod ng mga tala,
kahit sulyap lang darna!

Ang swerte nga nman ni ding,
lagi ka nyang kapiling,
Kung ako sa kanya,
niligawan na kita!!

Mapapansin kaya,
sa dame ng yong gingawa?
Kung kaagaw ko ang lahat,
may pag asa bang makilala ka?

Awit na nananawagan,
baka sakaling napakikinggan,
Pag ibig na palaisipan,
sa kanta na lang idaraan...

Nag aabang sa langit,
sa mga ulap sumisilip,
Sa likod ng mga tala,
kahit sulyap lang darna!

Tumalon kaya ako sa bangin,
para lang iyong sagipin?
Ito ang tanging paraan
para mayakap ka!

Darating kaya,
sa dame ng... ginagawa?
Kung kaagaw ko sila,
paano na kaya?

nga pala, chords ng song na toh D -Bm - G - A lang buong song....=)

Bati: ung mga bumibisita parin sa mga walang kwentang blog na toh...\m/


Posted at 06:59 pm by neilz
hirit kayo dito!\m/  

Saturday, December 03, 2005

a rusty ol' blog....

ang blog site na ito ay opisyal na nangangalawang na.. lagi kasing walang oras para mag sulat ng blog eh. sa mga nakikita nyo naman, puro kawalang kwentahan nalang ang mga nailalagay dito. ehehe! pero balak kong pag-igihan naring muli itong blogsite na toh, lalo na ngaung malapit na magbakasyon para sa pasko.

masaya ngayong week dahil nagout of town ang eles sa pansol, laguna. (naks eles ba yan, parang ang yaman ah.) haha dein. dahil ito sa pagblowout ni aries sa eles at blockmates nito. masaya, masaya. videoke, inom, tulog, langoy, kain buong stay.

lapit na finals week potah. sunod sunod na itong mga pagsusulit na nakalaan para sa amin. ang aking pinagdadasal lamang ay sana wala akong mabagsak sa aking mga kursong kinukuha. para inde narin maapektohan ang magandang iskedyul na naayos kna.. grabe konting linggo nlng, maghihiwa-hiwalay na ang block, wala ito sa akin. panibagong tao, panibagong mga kaibigang makikilala. pero ang ikinalulungkot ko ay sa pagtatapos ng ikalawang term, ay nagsisilbi itong senyales sa pag-alis ni yasmin. isang blockmate na magma-migrate na sa dubai.

haaay ang buhay napakahiwaga tlaga.... kaya siguro ang astig nitong paglakbayan.. hahaha... kasi kahit ganu ka kadaming bagay na matutunan at kahit ganu ka ka runong sa mga pangyayaring naganap sa buhay, hindi parin ito matatapos doon at sa bawat taong pagtanda mo, ay meron kang panibagong mapagdadaanan. sa malaking tulong ng pilosopiyang existensyalismo sa buhay ko lalo na ang existensyalismong bersyon ni Jean Paul Sarte, madaming mga bagay ang aking natuklasan sa pamamagitan nito. natutunan kong lahat tayo ay ang nag-iisang responsable sa mga kinalalabasan ng mga natin sari-sarili nating buhay. lahat ng mga ito ay nanggaling sa mga desisyon at pagpipili natin, pati narin na walang aksi-aksidente, dahil sa lahat ng mga "aksidente" na nangyayari sa atin ay ang pagtutugma-tugma ng mga desisyon natin at ng desisyon ng iba. kaya para sa akin, wala nang mas-kaklaro pa sa pilosopiyang ito.. na tayo mismo ang gumagawa ng ating "kapalaran".

mga tao talaga.. sobrang nagpapaapekto sa larangan ng pag-ibig, ginagawang OA ang mga ito na sobrang labo na... grabe usapang pag-ibig nanaman.. haha parang sobrang tagal na nung maglagay ako ng pahayag sa blog ko, oh magkwento tungkol sa seryosohang pag-ibig. meron kasi akong isang kaibigan na naglabas ng sama ng loob tungkol sa pag-ibig. ang pag-ibig nga naman, oo isang makabuluhang paksa ang pag-ibig at dalawa lang ang pwedeng manyari sayo dito, mabigyan ng walang kapantay na kaligayahan o masaktan hanggang sa kaloob-looban. may mga taong nagbibigay ng maling pagrarason para kontrahin ang pag-ibig. sa edad ng hayskul, me mga nagrarason na mashado pang maaga para umibig kaya dapat wag muna itong isama sa buhay.. ehh me kasabihan ngang "when one is born, he/she is old enough to die." eh.. siguro nga dahil sa pahayag na ito, na inde natin alam kung kelan nga tayo mawawalay sa mundo, na kahit siguro meron pa ngang kakulangan sa karanasan ang mga ganoong edad, ay wala parin namang masamang sumubok sa pag-iibig eh. ang sakin lang, siguro wag munang i-sentro sa buhay ang pag-ibig, na parang ito na ang rason kung bakit ka nabubuhay. pero sino nga ba ako para humusga ng kung anu ang gusto nilang gawin sa buhay nila.. wala akong karapatang pakielaman ang buhay ng iba, sila naman may gusto nun at sila ang pumili nun, kaya dapat tanggap nila ang responsibilidad. kaya naaasar ako sa mga taong nagbe-"breakdown" kapag nasasaktan sa pag-ibig. ung tipong parang hindi nila alam na posible talagang manyari sa kanila iyon. pero sabi ko nga, buhay nila un.. ba. tayo ang talagang responsable sa kalalabasan ng ating sariling karanasan sa buhay.. kaya ang payo ko sayo aking kaibigan, wag gawing buhay ang pag-ibig. un lamang po.. \m/

bati: ANG mga dumadalaw parin sa kinakalawang na blog na itoh, ang mga blockmates, ang mga nakasama ko sa pansol(eles, blockmates ni aries, si gandhi, si kuya eddie etc.), si yas, si alt emo girl, si burnout girl na biglaang nagparamdam.

Posted at 03:56 pm by neilz
Comments (2)  

Thursday, November 17, 2005

sugarfree!!

ako ay napapakinig sa mga kanta ng sugarfree sa kasalukuyan.... at napakinggan ko nanaman ang mga astig nitong lyrics hahaha! hmm.. me song ako... dedicated sa isang babaeng mamimiss ko tlaga... di bale baka next time pwede na..... ang kantang ito ay ang "burnout" ng sugarfree...\m/ isa sa mga sikat na kanta nilang sumikat na matagal na..... stig! kita kits nlng sa college burnout girl...\m/

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



Oh wag kang tumingin ng ganyan sa akin
Wag mo akong kulitin
Wag mo akong tanungin

Dahil katulad mo
Ako rin ay nagbago
Di na tayo tulad ng dati
Kaybilis ng sandali

Chorus:
Oh katagal din kitang minahal 2x....

Kung iisipin mo
Di nman dati ganito
Teka muna
Teka lng
Kelan tayo nailang

Kung iisipin mo
Oh di naman dati ganito
Kaybilis kc ng buhay
Pati tayo natangay...

Bati: si Alt Emo girl at si Burnout Girl....\m/

Posted at 02:34 pm by neilz
Comment (1)  

Friday, September 30, 2005

hmm... cool stuff! alt emo pare...\m/

hmm.... ive been listening to this girl's CD and i-pod, and merong mga songs/bands dito na di ko tlaga kilala... but somehow, astig ung songs nila... hehe!! mejo nakaka-lull cya sa pandinig(lalo na kung sanay ka sa mga sigawang kanta), pero like most rock songs tlaga, malaman ung mga lyrics and cool ung mga beats!! hehehe!! i think na dis girl has influenced me to know more about her type of genre... ung specialty ba nya... ehehe!! astig tong genre na toh.. wala ko masyadong alam, pero ansarap tugtugin sa gitara... coolness.. i think na im gonna learn alot from dis girl about alt emo.. lot of thanks ke alt emo girl...=) anyway, ito na siguro ung 1st fave song ko na alt emo... title nya "its over now".... kinanta ng Neve!\m/

             ~~~~~~
She comes up and over time
She'll see what I could be
A cold routine or something
It just won't stop touching me
And I wait here another time
Like a thousand times before
I'm dropping out and faded
But I keep on wanting more

She comes up another time
And she really really doesn't care
That I can't keep time or the rhythm straight
'Cause it's one thing she don't dare
And it's alright I drop the line
Now it's one thing to be free
Well I never really had a thing for that
But it's everything I need

And you don't ever understand
It's right here in our hands
The outline of our lives
It's over now

And she wakes up from a deeper sleep
A nightmare through and through
She won't stop trippin' on the daytime vibe
But that's one thing I won't do
Then it's over and back again
And she's still on the attack
But I'm convinced I've found a reason
To keep her coming back


You won't ever be happier
Until you find that special place where you belong
And you won't ever be happier
Until you find that only way
Until you find the only way back home

It's over now
It's over now

bati: alt emo girl.....\m/

Posted at 10:58 pm by neilz
hirit kayo dito!\m/  

Monday, September 19, 2005

song for the month....\m/

tae haha me kinaaadikan nanaman akong kanta... hmm... tulad ng helena, feeling ko tatagal nanaman ng dalawang buwan toh sa utak ko... ahehe.. kung me matamaan naman dito, please walang personalan ha... kahit me relasyon ang kanta sa kung anu mang pangyayari, kanta lang po... anyway, this is "buried myself alive" ng THE USED.... ehe.. bagay ang kanta sa banda... this song is for the used people.. ehe..\m/

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

You almost always pick the best times
To drop the worst lines
 You almost made me cry again this time
Another false alarm
Red flashing lights
Well this time I'm not going to watch myself die
I think I made it a game to play your game
And let myself cry
I buried myself alive on the inside
So I could shut you out
And let you go away for a long time

I guess it's ok I puked the day away
I guess it's better you trapped yourself in your own way
And if you want me back
You're gonna have to ask

I think the chain broke away
And I felt it the day that I had my own time
I took advantage of myself and felt fine
But it was worth the night
I caught an early flight and I made it home

I guess it's ok I puked the day away
I guess it's better you trapped yourself in your own way
And if you want me back
You're gonna have to ask
Nicer than that
Nicer than that

With my foot on your neck
I finally have you
Right where I want you

Posted at 01:39 am by neilz
hirit kayo dito!\m/  

Thursday, September 08, 2005

aba engganyo magblog!..\m/

hayayayyyyyyy........... ang tagal potek!! bakit lahat nlng ata ng mga bagay na inaantay ehhhh ang tagal?!?! tagal nung kape sa coffee maker, tagal kong maweewee, tagal kong antukin, tagal kong mabigyan ng oto, tagal matapos ng break, tagal nung party ng block, tagal makatulog, tagal bago maka-jam, tagal bago mapagawa ung bagong eles jacket, tagal bago magawa ung PC, tagal ikasal ni ate, ang tagal manganak ng babae pag buntis, tagal bago ka sagutin, tagal bago mainlab, tagal din makalimot, tagal makamuv on, tagal humaba ng buhok ko, tagal lumaki nung dalawang taon kong kapatid na lalaki para me masapak nako, tagal matanggal ng wallpaper ng kwarto ko, tagal bago ako makaipon, tangina ang tagal!!!!!!! BLEH!

bakit ganun? pag inaantay mo isang bagay, mas matagal tlaga dumating??? well oonga sabi nga ng iba, ganun tlaga pag inoorasan mo oh ano.. pero kahit naman inde mo inoorasan, oh kahit na ipa isang-tabi mo man kung anu man ung inaantay mo, talagang matagal parin ito dadating? tagoink. tapos kapag nagaantay ka tlaga parang ang bagal ng oras!! potek.... ok lang yan, kung inde na tlaga ako mainipin ehh di kaya ko na toh.... ehh panu kaya kung ganun parin ako? hahaha deins na naman siguro noh me mga inaantay rin akong taon taon na ang overdue nito... tulad nga ng sabi ko, bagal ng oras kapag nagaantay, pero pag masyado ka namang enjoy sa pangkasalukuyan, dun naman mabilis ang oras.. para nlng ung pagiging tao ni casper sa movie tapos by 10:00 multo na cya ulit amp... ni inde pa nga nya nai-aakyat sa kwart si kat(ung bida)... haha... biru. pero at least nahalikan nya diba? BLEH.

tae usapang multo amp! tagal ng kape!!

merong mga taong nakakaburat.... kahit inde mo kilala, titigan mo lang mabuburat ka na talga... pero inde naman nila kasalanan kung bakit tau nabuburat sa kanila... siguro parang me dating/tindig/aura/vibes lang silang inde natin tipo... pero bakit ko pinagkakaaksayahan ng blog space ang mga ito? eh burat nga ako sa kanila... hahahaha labu ko amp!! BLEH.

ang mga tao rin ano, ang hilig magpaasa... kahit na inde nila sinasabing pinapaasa ka nila, pinapaasa ka parin nila. minsan, mangangako pa na gan2 plano, gan2 mangyayari, by dat time, kunwari, me pera na, me sagot na, me naimbita na, me nakausap na, me nadali na, me reserba na, me benta na... pero sa kalalabasan, wala naman pala... oh kunwari sa gitna nung duration ng umaasa ka, inde naman pala inaasikaso nung inaasahan mo ang dapat nilang gawin, dahil sa kadahilanang abala pala sa ibang bagay... punyeta(ika nga ni inay) bakit ganun?? mahirap bang ipasok sa kokote na merong nagaantay na nilalang sa kabila ng inde mo pagasikaso sa kanya ng 100 porsyento?? di naman siguro makitid ang utak nila noh??

potah #4 na helena sa myx daily top ten amp.... sikat na shet... ayan tumutulo na kape ko... dami hehehehe!

bad3p si nanay, sinabihan na akong tumigil mag yosi kasi daw yosi nlng ako ng yosi..... ehhhh nay! inde mo ba alam ang magandang epekto sa akin ng yosi?? ha? ha??! HA?! palipas oras at pampakalmo ko toh eh... mashadong magastos ang Vs eh sori na daw... buti kung wala akong pinoproblema at sobrang nasa eutopia na siguro ako, dun ko nlng maiisipang tumigil.... pero ayus lang rin... kasi alam ko namang concerned lang kau sa kalusugan at kinabukasan ko.. haha inay, dont worry inde ko bubutasin baga ko... sa tingin ko naman, matatanggal na ung tinik sa dibdib ko within a week or so, or kahit pa siguro mapuruhan pa ako at mapokpok pa lalo ung tinik, im sure alam ko na ang daang tatahakin ko... *ehem* if you know wat i mean...(nosebleed)

anyway, ito ang trabaho ng insomniac... dala ng kawalan ng pasok+mga isyu na bumabagabag sa isipan + mga DVD na astig + sangkatutak na yosi + cable + kape + internet + mga iba pang insomniac = kabaliwan at walang tulugan....\m/ yeahboi!! teka klaruhin ko muna ah!!! inde pala ako galit sa blog entry na toh.. haha nababaliw lang.... wakek!

haha mis kna si purple ranger....\m/ ay... ayan na ung kape!! ay potek... walang asukal amputa... sige ayus lang yan!!!!\m/

bati: ang mga insomniac... sila yas at iba pang block lr17.. special mention si cam hahaha nababaliw narin ata dahil sa mga "isyu" na ito... hahaha! ung mga pupnta sa block party taena excited nko!!\m/

Posted at 03:29 am by neilz
hirit kayo dito!\m/  

Monday, September 05, 2005

popularity shmopularity....

hmm... just watched myx kanina and i was surprised to see My Chemical Romance's Helena in the 8th spot sa myx daily top ten... di ko lam kung matutuwa ako or maiinis sa fact na patuloy ang pagsikat ng kantang helena... dahil sa fact na ayoko lang tlaga ng mga kantang sumisikat kasi ang nagiging tendency lang tlaga nito ay magagasgas lang ang kanta... weird ko noh? pero ganun lang tlaga ko... i mostly listen to the songs na a few people know lang.. nagsimula ung issue of popularity sakin noon nung mga panahon pa nung linkin park hybrid theory songs... haha parang ung 'Papercut' at ung 'In the End' na mga kanta nila naging sobrang adik ako, tapos before u know it, lagi na pinapatugtog sa radyo, nagagasgas, pinagsasawaan at eventually naging laos na... hehe.. my bestfriend used to say to me, "haha bakit ganun? lahat ata ng kantang natitipuhan mo sumisikat tlaga.." i think na he meant it as a compliment pero naisip ko lang na "onga eh bad3p".. haha..ayan. befor we know it, lahat na ng tao helena na pinapakinggan... parang quality of uniqueness kasi para sakin ung mga not-so-famous songs eh... pag sumikat na sila, parang magiging anthem na ito ng herd. kaya galit ako sa threat of indoctrination eh.. kaya approve na approve ako sa mga point of view ni russell. nawawala ung uniqueness because of popularity... haha, well, ganun ang buhay eh... kaya napapatanong rin ako, bakit gs2 ng mga tao maging popular? bakit gs2 nila makisama sa herd of popular people? hindi nga privilege ang maging poplular eh, its more of a curse. parang nagiging drone nlng ang isang tao sa pagsusunod sunod kung anu ang trendy or popular.. natatanong ko rin ito sa tuwing marinig ko si amanda bynes sa isang skit nya sa amanda show tuwing sinasabi nyang "im popular!"...... so what? same goes for my taste sa mga babae.... i really dont like the sexy hot chik popular ones, i like the simple, silent-type, mysterious kind of girls... ung asa isang tabi lang inde nakikisama sa "haller"-type of popular chiks.. parang ung asa loob ung kulo kung baga... dunno why people try to be popular(in a bad sense), when u can be unique...

hay nko... ang hirap magkaroon ng komplikadong love life... well, inde naman ako nagrereklamo, sinasabi ko lang na tlagang mahirap... kelangan mo rin naman tlaga dumaan sa maraming sakripisyo at compromising kung goal mong maging masaya dito... pero nakakailang tanong lang rin ako sa sarili ko... is it even worth the sacrifice and compromise? well as long as NOBODY gets hurt in the process.... un narin ung isa sa mga complications... siguro kaya ko rin ginagawang big issue/deal ito, and kaya rin ako makulit and persistent about it coz iniiwasan kong me masaktan pa sa either one of us.. inde ko ito masagot lahat because labu labo pa... hassle nga lang kasi naiwan akong nakasabit sa ere... well, siguro test lng sakin ni God ito for my patience... i think na magiging clear rin ang lahat pagdating ng time, sana lang tlaga ehh maayos ito.... kung mabasa man nya ito, sana inde maging mali ung pagkakaintindi nya dito... sana inde wrong impression. actually dapat kilala mo kung anu ako... ayoko lang tlaga gumawa ng mga bagay at mamili sa choices ng padalos-dalos because i might regret it. ngayon lang rin naman ako ulit nag sulat ng gn2 sa blog... iniiwasan ko na ring maglagay ng mga personal stuff sa blog ko, even though ang blog ay parang freedom of expression to alot of people, because i might hurt a number of people in the process.. hay nko... kelan kaya ako mawawalan ng tinik sa dibdib... cant wait to go back to school..... para madistract.\m/

bati: mga me term break parin, ang block ko... excited nko block party! ung mga me pasok na.. ingat kau....................\m/

Posted at 08:07 pm by neilz
hirit kayo dito!\m/  

Monday, August 29, 2005

i'll bleed for you... like a new tatoo...\m/

.......... which is true sa kadahilanang nagpalagay ako ng isang maliit(sa kadahilanang ako ay kinapos ng badjet dahil sa kakapusan ng araw-pasukan na naging dahilan ng aking kawalanang suply ng baon) na tatoo sa gitna ng aking likuran.... astig! maliit at simpleng gothic cross lang ang aking pinalagay tapos padadagdagan ko nlng sa susunod na panahong ako ay nagyayaman sa salapi.\m/

sa nakaraang linggo ay isang beses ko lang nakasama ang megazord ng buhay ko... sa rasong "finals week" ang naturang linggo..... pero ayus lang rin dahil naksama ko rin ang aking mga kaibigan sa block na maginuman, at nakasama ko rin ang ibang eles sa pagtambay sa bahay ni ryan ulit....\m/ dahil rin sa linggong toh, nadalaw ko si dino sa bahay nya, na kung saan andun pala si roanne dahil sa pagbisita nito sa kanyang ka-lab team na si dino...\m/ tumambay rin kami ni moja sa starbaks at naluwagan ang bulsa ko sa naturang pagtambay... pero ayus lang.\m/ parang summer ulit ang dating ahehehek....\m/

ay oonga pala.....

nung nagtown cheers nung sabado, ang daming masaspot sa ATC!! mga oeyt, mga inde kilala at sa parehong araw ay nagperform sa tower ang chik na si mishka adams!! so hot! at meron pa akong otograph at libreng picture courtesy of diego and LA valera! so hot!\m/

lumalagablab sa init ng likod ko hehe....

astig ang eles sa dahilang ang mga kasapi nito ay nadagdagan nanaman.... naging trenta na po ang mga naturang kasapi nitong sabado lamang, at ang nadagdag ay nagngangalang IJ... mabuhay ang eles! lapit na jaket! ahehe ah ulul....

teka usapang power rangers naman....

hmm.... anu kaya ang kalalabasan ng pagtatagpo naming muli ni megazord? ako ay labong labo sa sitwasyong nagaganap at nadagdagan pa na maski cya ay labo rin.. hanggat naklaro na siguro ito ay mananatili muna akong spectator sa mga nagaganap at mabuhay ng normal... pero sa totoo lang sa isang linggo nang inde namin pagkikita ay namimis ko na c megazord.... pero wala rin naman akong pwedeng gawin kundi magintay hanggat cya ay ma-repair sa pinanggalingang digmaan laban kay lord zed...hindi ko rin alam ang gagawin dun sa isa na nagngangalang purple ranger, na kinikilala ko pa ng mas mabuti at sapat.... hmm pero astig rin cya hehehe kasi makulit at komportable ako makipagusap sa kanya, kahit anung bagay pwede nyo pagusapan... ahihihi kilig aku.... hmmm bahala na si zordon kung anu man ang kalabasan ng lahat ng ito, bastat sana ako ay inde masaktang muli at masugatan... ah ulul.... ito namang si indigo ranger ay bigla nlng tumawag sa akin at sinabing "neil... lam mo bang uhh.... sinisibak.. uhh... ako ngaun??" amputa... anu naman ang gs2 nyang palabasin sa hirit na yun?(kasama pa ang pag hiyaw ni lalaki at pag uhh ni babae) oo na sige na napatunayan mo nang malibog ka... at ung kasama mo eh malibog rin kaya sige magsama nlng kayong dalawa... hay nako... tanggal ka na sa power rangers hinayupak ka...\m/

bati: ang mga nakasama ko sa linggong toh, si otep na nagtatoo sa akin, ang mga chik na nasa town cheers... si mishka adams!! ahehe ang chik mo men! si ria na nagdebut, ang eles, at ang mighty morphin power rangers!\m/

Posted at 08:14 pm by neilz
hirit kayo dito!\m/  

Sunday, August 14, 2005

Tell me where it hurts....\m/

hmm... grabe nlng ung sinikat ng kantang yan eh... kuha ko na nga ang bawat galaw ng MYMP sa MYX live performance ng naturang kanta... dahil lagi nlng itong pinapalabas... haha... pati narin ung kanta ng Hale na 6 weeks nang #1 sa MYX countdown... pero kahit ganu ko kagusto ang MYMP, at kung ganu ako nabuburat sa Hale, ay me similarity ung mga kanta nila.... Tell me Where it Hurts at ang The Day you said Goodnight, ay parang nakaturo sa subject ng pagiging "panakip-butas". pakinggan mo nlng ung lyrics ng MYMP song, (na inilalahad nung kumakanta na binibigay nya sarili nya, kahit panakip-butas lamang, (kanta ng mga martyr!)) at panoorin narin ang MTV ng HALE, (na inilalahad ng kumakanta na cya ay naging martyr, at naging panakip-butas lamang sa maikling panahon...) at masasabi nating lahat na tama ang inilahad ko...

masasabi ko lang tungkol sa naturang bagay na iyan, mahirap para sa isang tao ang maging panakip-butas, dahil naranasan ko narin ito, nagawa ko narin ito sa iba at naobserbahan ko ang kinalabasan... meron din akong mga kaibigan na nagkaroon narin ng experience sa pagiging panakip-butas, at nambibiktima ng panakip-butas.
hindi maganda... masaya magkaroon ng panakip-butas kung parehong iyon ang tingin ninyo sa isa't isa. hehe parang laruan lang kau.. kumbaga friends with benefits in another, more deep term. pero, kung iisa lang sa inyo ang gumagawa nito, at napupuruhan ang isa, hindi healthy para sa puso. kelan mo ba masasabing ang isang tao ay panakip butas lamang? kapag ang tao ay lapitan lamang para sa "deep comfort" at labasan ng sama ng loob, kapag ang tao ay ginagamit lamang upang pagselosin ang totoong gs2 ni user, kapag ginagamit ka para i-tulay sa totoong gs2, kapag sex partner lang dahil ang totoong BF ay inutil, at kapag ang naturang biktima ay pampalipas lamang ng oras... madaming pwedeng rason yan... pero nag-iisa lang ang pinatutunguhan nitong sinasabi ko.... masakit, mali, mahirap, at madaya maging panakip-butas.... << haha dahil sa mga kanta mapapaisip ka talga... bigla nlng lumabas sa utak ko eh... deep thoughts... deep thoughts.. haha.

so far, masaya ang week na nag-daan.... madalas parin ang inom, at mas lalo pang napadalas ang pagkita ko sa naturang babae na tinitrip ko tlaga.... ehehe.... sana maulit muli.... (parang kanta)...... me bago nga akong record eh!! taena.... sa isang araw, noong biyernes, limang inuman ang aking nasapian.... potek yan... haha kaya inde maiwasang mapagod at sumakit ang ulo 1:00 plng ng umaga bago umuwi, dahil simula palang ng 11 ng umaga ng previous day, ay me laman nang alcohol ang tiyan ko... haha.. pero astig.. ngaun lang ako muwi galing taft ng madaling araw na... mas hassle lang kasi walang bus... kaya jeep-jeep ang naging sakay.. pero ayus lang ang importante eh nakauwi.. wahoo!!! haha

bati: mga naka-inuman! eles! ung babaeng trip ko! ang block!

Posted at 08:37 pm by neilz
hirit kayo dito!\m/  

Sunday, August 07, 2005

ELES-NAIA`8.7!!

hmm... hehehe masaya ung debut ni bea... kahit merong mga inde nakapunta.... mejo nalate pa ako ng dating kasi ung time sa invitation is 630... dumating ako 8... pero ayus lang late nagstart ung program eh hehe!! kasama ako sa 18 roses, tapos marami rin sa barkada ko ung kasama... meron isa dun makulit nagswing pa.... hehe.......

natapos ung party at around 11, pero nakaalis kami dun mga 1:00 na dahil sa kakaplano kung san kami iinom... umikot kami kung san san hanggat umabot na kami sa airport amp.... pero nauwi nlng kami sa pagbili sa gas station ng mga kagamitang panginom, at tumungo nlng sa parking lot ng studio nila ryan at dun uminom... haha!! dito nabuo ang ELES-NAIA`8.7...... composed of rico, ryan, medz, rd, jan at ako.... ahehe! sige isama narin si kuya eddie... hmm... so far, mas gs2 ko pa ung inuman kagabi kesa sa mga naging past eles inuman... sapagkat, dito, nagkalabasan na ng mga katotohanang bihira mong makita sa aming anim na sabihin.... me mga laf3p ding basag na first time kong makitang ganun sila(jan haha) at meron nang umingay dahil sa kalasingan(ryan) haha... laglagan eh noh... hinde... dahil ang ELES-NAIA`8.7 ay walang iwanan(bsta pag lasing sigurado un hehe).... respetuhan at walang bastusan!! mabuhay ang eles!\m/

Bati: ung lima sa EN8.7...... taenang pangalan yan.. haha! ung mga asa debut ni bea!! ung iba pang eles!! ung palarang nakakainis.. haha ang lalim eh..

Posted at 07:25 pm by neilz
hirit kayo dito!\m/  


Next Page


This site best viewed on a 1280 x 768 screen resolution or higher!